sa sitwasyon nating tatlo
ako ikaw at sya
sa umpisa masaya
sa una lang pala
kalagitnaan unti ng nagiiba
sa huli ibang iba na
bakit nga ba?
ano nga ba sya sayo ?
kaibigan lang?
pero bakit parang pareho kami?
pareho kami ng papel sa buhay mo
tila hindi sya nawawala sa eksenang meron tayo
Oo nagdududa na ako
at nangangamba na baka ang salitang "tayo ay mapalitan ng Kayo"
kunti pa isa pa baka maling hinala ,lang ako
nag babakasakaling mali to
napapaisip napapatulala
ano kaya ang meron kayo na walang tayo
mas masaya kaba,
masaya kaba pag sya ang kasama?
ako nalang kaya ang lalayo
ako nalang kaya ang susuko
ngunit hindi malinaw sakin ang lahat
kung bakit hindi mo nalang ipagtapat sa akin na mas masya ka sakanya
palalayain naman kita
nag aagaw ang puso at isip
lalaban pa ba ako oh bibitaw na
pero bago yan kailangan ko na ng ebedensya
ebedebsya na magbibigay ng sakit at
konpermasyong tama na bitaw na o lalaban pa
habang hinahanap ko ito
at natuklasang may special sa inyong dalawa
nanginginig sa sakit natutulala
nalulungkot nababalisa nasasaktan
umiiyak nagpapanggap na okay lang ako
pero ito mahal parin kita
pinaamin kita ano nga bang meron sa inyong dalawa
ang sabi mo kaibigan ko lang sya
pero bakit ang mga panyo ko sayo ay pamunas narin nya
ang kalinga mo sakin ay katumbas ng sa kanya
tila nagsisinungaling kana pag kasama mo sya
magkatabi sa pagtulog
kasama sa barkada at bakasyon
tela higit na sya sa merong tayo
syempre tanga ako sabi mo nga diba
dahil tanga ako itutuloy ko parin to
dahil ako yung tipong hindi basta basta sumusuko
hinihintay kung mauubos ako
nagpatawad nagpatuloy dahil sabi mo nga mali ako
mali lahat ng woman instinct na meron ako
mali lahat ng nararamdaman ko
mali ang pinaglalaban ko pati ikaw mali
tuloy parin tayo hanggang sa maubus ako
selos na selos ako dahil nahati yung atensyon mo sakin
selos na selos ako dahil alam ko special sya sayo
pero ako to tanga uulitin ko tanga
nagmamahal nagseselos bakit nga ba
kasi nga mahal ka,nasasaktan ako pag masaya ka sa kanya
at nasasaktan ako pag nakakalimutan mo na meron tayo
nasasaktan ako pag nagagalit ka dahil sa kanya
itutuloy ko parin to syempre
inuubos ko ang lakas at pagmamahal ko
sasaktan ko ang sarili ko hanggang madapa ako
babangon ulit hanggang kaya tayo ulit lalaban ganyan ako
ito yung puntong ubos na ako
at kaya ng wakasan ang tayo
at kaya ng tawanan ang kayo
umpisa palang to
hindi na ako hindi na ako
yung dadating makekealam ng cellphone mo
ng text at tawag sayo at password sa facebook mo
ako na ang bagong kaya ng mabuo ang araw ng walang tayo
ako na to na hindi na ako nasasaktan tungkol sainyo
bagkos naghumahalakhak
ako na to na hindi na ikaw ang mundo
ako na to na kayang matulog ng walang text galing sau
ako na yung hindi na umiiyak dahil sayo
ako na to ibang iba sa dating mahal na mahal ka
ako na ang mas malamig pa sa yelo
Thats what you made me do
pero diba tayo parin
atleast sa bandang to handa na ako
sa bawat sakit at Goodbyes
hinihintay ko nalng ang ending ng storyang tayo
at pwede mo ng umpisahan ang meron kayo na wala ko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento