Sa ating Mundong Ginagalawan
Panghuhusga'y laman ng Lipunan
ito'y naging katangian
ng buong sambayanan
Ang taong mapanghusga
dumi sa mukha ay nakikita
nakaligtaan'g tingnan muna ang sarili
bago pumuna sa iba
Sa sariling pamayanan
lalo na ang mayayaman
mahihirap ay minamaliit
hinahalintulad sa damong maliliit
O aking kaibigan
wala kang karapatan
na kapwa mong tao ay iyong husgahan
palagi mong isa isip yan.
Ang tanging may karapatan lamang
ay ang DIYOS na makapangyarihan
dahil syang may likha ng lahat
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento