kaibigan na masaya kasama
kaibigan na nariyan sayo parati
kaibigan lang ba talaga?
oo kaibigan lang wala ng hihigit pa
lumipas ang mga minuto oras at araw
kaibigan lang talaga
pero bakit parang may mali na
bakit tila may iba na
akala ko kaibigan lang akala ko lang pala
pero bakit gusto na kita
kaso ako lang ,ako lang ang may gusto
kaya itatago nalang hanggng sa huli
Masakit makitang iba ang iyong gusto at hindi ako
pinipilit kung tanggapin na hindi pweding tayo
paulit ulit sinasabi ko sa sarili ko na malabo
tanggap ko na tatatanggapin ko na
lihim lang lahat ,walang kamalay malay
na ikaw ang laman ng puso ko
at pipilitin kung lumayo at itago
at ibaling sa iba ang naramramdaman ko
ngunit kung kailan masaya na ako bumalik ka
at sabi mo ako rin ang mahal mo
bakit ngayon lang na wala na ako sa tabi mo
bakit ngayon langkung kailan
nakalimutan ko na na posibleng may tayo
nakalimutan ko na na posibleng may tayo
bakit sa huli kapa bumalik
bakit sa dulo pa ng storya
kung kailan nawakasan ko na
ang pagitan sa ating dalawa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento